ADVISORY TO FILIPINOS ON ILLEGAL RECRUITMENT TO COMMIT CYBERCRIMES IN SOUTHEAST ASIA
The Philippine Embassy in Dili would like to warn all Filipinos in Timor-Leste of the increasing number of cases of Filipinos being illegally recruited from the Philippines and in other countries by criminal syndicates based in Southeast Asian countries to commit cybercrimes.
The Filipino victims are enticed by spurious job offers to work as “Customer Service Representatives” or “Call Center Agents” in Southeast Asian countries. Once they are recruited, the Filipino victims are issued tickets to fly to a Southeast Asian country, from which they are taken to adjacent countries and brought to remote areas. They are then forced to work as online scammers engaged in cryptocurrency and other online scams.
Many of the Filipino trafficked victims who engage in these online scamming activities have experienced abuse at the hands of these criminal syndicates, including physical and psychological abuse; made to work long hours under difficult work conditions; non-payment of wages; confiscation of their passports, mobile phones and gadgets; and held hostage and made to pay exorbitant amounts of money should they wish to leave. Some are even threatened with death or cutting off their hands if they do not cooperate. Sometimes they are threatened with harm coming to their families in the Philippines. Some victims were sold to other syndicates, which may be engaged in other forms of slavery, including sexual slavery.
The Embassy reiterates its warning to the public to be wary of these criminal syndicates promising employment in mainland Southeast Asia.
Dili, 23 February 2023
ABISO SA MGA PILIPINO TUNGKOL SA ILLEGAL RECRUITMENT UPANG MAGSAGAWA NG MGA CYBERCRIME SA TIMOG-SILANGANG ASYA
Nagbibigay ng babala ang Pasuguan ng Pilipinas sa Dili sa lahat ng mga Pilipino sa Timor-Leste sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mga Pilipinong ilegal na kinakalap mula Pilipinas at mula sa ibang bansa ng mga sindikatong kriminal na nakabase sa mga bansa sa Timog Silangang Asya upang magsagawa ng mga cybercrime.
Naaakit ang mga Pilipinong biktima ng mga huwad na alok ng trabaho bilang “Customer Representative” o “Call Center Agent” sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Kapag na-recruit na sila, bibigyan sila ng mga tiket upang bumiyahe sa isang bansa sa Timog-Silangang Asya, kung saan ililipat sila sa karatig na bansa at dadalhin sa mga liblib na pook. Pagkatapos, sapilitan pagtatrabahuhin ang mga biktima bilang “online scammers” na may kaugnayan sa cryptocurrency o iba pang uri ng online scam.
Karamihan sa mga Pilipinong biktima ng trafficking na nasangkot sa mga scamming activities ay nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ng mga nasabing sindikatong kriminal. Kasama rito ang pang-aabusong pisikal at sikolohikal; walang patid na oras ng pagtatrabaho sa matinding kalagayan; hindi pagpapasahod; pagkumpiska ng kanilang mga pasaporte, mobile phone at iba pang mga gadget; at ang pangho-hostage at pagpataw ng labis-labis na halaga kung sakaling nais nilang umalis sa trabaho. May mga pinagbabantaan ng kamatayan o pagputol sa kanilang mga kamay kung hindi sila aayon. May mga binabantaan din na mapapahamak ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas. May mga biktimang ibinenta sa ibang sindikatong maaaring sangkot sa iba pang uri ng pang-aalipin, kasama ang pang-aaliping sekswal.
Inuulit ng Pasuguan ang babala nito sa publiko na mag-ingat sa mga nasabing sindikatong kriminal na nangangako ng trabaho sa kalakhang Timog-Silangang Asya.
Dili, 23 Pebrero 2023